Marami sa ating mga Pilipino ang nangangarap makarating ng ibang bansa para makapamasyal, maghoneymoon, maghanap ng soulmate, makakita ng mga magagandang view at parks na wala sa Pilipinas at lalo na ang makapaghanap ng trabaho.
Isa na ang Singapore sa pinakapaboritong puntahan ng ating mga kababayan dahil sa angking ganda at linis ng bansang ito. Maraming din itong magagandang gusali, malls, parks lalo na ang Merlion at Marina Bay Sands. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, marami ang nakikipagsapalaran sa Singapore dahil sa mga sumusunod na mga kadahilanan:
a) Malapit at Madaling Puntahan Ang Singapore ay maituturing na bansang malapit lamang sa Pilipinas. Inaabot lamang ng apat na oras na biyahe sa eroplano ay makakarating ka na agad sa Singapore. Marami ding flights papunta sa bansang ito dahil sa napakalaking airport nito na nakapag cater ng humigit kumulang na 66 milyong pasahero sa buong taon ng 2018.
b) Pera/Currency Ang currency na ginagamit ng Singapore ay Singapore Dollars (SGD). Ang SGD ay pumapantay sa halaga ng Canadian Dollars at Australian Dollars na umaabot lamang ng 36-39 Pesos/1 SGD. Malaki ito kumapara sa mga bansang Taiwan, Malaysia, Hongkong, Thailand at Saudi kaya mas maraming Pilipino ang nahihikayat mag apply dito.
c) VISA Ang Singapore ay miyembro ng South East Asia na nagbibigay sa mga Pilipino ng opportunity na makapasok sa kanilang bansa na hindi kinakailangan ng Visa/e-Visa. Maaaring pumunta ang isang Pinoy sa bansang ito ng libre (walang visa fees at application requirements). Kailangan lamang ng return ticket pabalik ng Pilipinas at address ng iyong tutuluyan at malaya ka ng makakapasok ng Singapore.
d) DIRECT HIRING Isa ito sa pinakadahilan ng pagaapply ng maaraming mga Pilipino sa Singapore. Maraming mga kumpanya ang naghihire na hindi kailangan ng agency. Tumatanggap sila ng mga aplikante na mga Pilipino direkta sa kanilang HR or Hiring manager. Mas pinipili ito ng mga naghahanap ng trabaho dahil hindi na kailangan magbayad ng agency fees na kalimitan ay napakalaking halaga para lamang iprocess ang iyong mga papeles at makapagapply.
At dahil nga sa mga kadahilanang ito, marami ang nagtatanong kung paano at ano nga ba ang mga dapat gawin para magkaroon ng trabaho sa Singapore. Dahil dito, ibabahagi ko ang aking kaalaman at karansan kung "Paano mag apply ng trabaho sa Singapore?". Narito ang ang mga sumusunod na hakbang:
Ano ang mga Dapat gawin?
1) RESUME/CV
Ang iyong Resume/CV ang unang makikita ng mga employer kaya ito rin ang pinakamahalagang dapat unahin sa pag aapply ng trabaho sa Singapore. Maraming mga iba't ibang kumento kung paano dapat ayusin ang Resume/CV gaya ng dapat ay isang page lamang ito at dapat maganda at maayos ang pagkakaayos ng mga nilalaman nito. May mga nagsasabi naman na mas mahalaga na kumpleto at malinis dapat ang pagkakasunod sunod ng mga nilalaman. Ikaw na ang bahalang pumili ng format o paggagayahan ng iyong Resume/CV kung saan ka mas nadadaliang gawin. Basta siguraduhin na walang maling impormasyon, malinaw at mdaling mabasa. Narito ang ilang halimbawa ng mga Resume format:
https://www.myperfectresume.com/build-resume/select-resume
2) JOBSITES
Pangalawa ito sa dapat alam na alam mong gawin dahil dito ka araw-araw magaapply ng trabaho. Marami sa mga kumpanya sa panahon ngayon ay sumasabay na sa makabagong teknolohiya at internet. Bihira na ang mga walk-in na nagpapasa ng mga Resume/CV dahil mas pinipili na ng mga employer ang pag aapply gamit ang mga website o email. Narito ang mga epektibong mga Jobsites na maaari mong applyan:
a) GUMTREE JOBS (https://www.gumtree.sg/s-jobs/v1c8p1)
b) ST Classified Jobs (https://www.stclassifieds.sg/section/sub/jobs/)
c) Indeed Jobs SG (https://www.indeed.com.sg)
d) JobsDB Singapore (https://sg.jobsdb.com)
e) Jobstreet SG (https://www.jobstreet.com.sg)
3) ACCOMMODATION/ Bahay sa Singapore
Mahalaga ito dahil isa ito sa requirement para makapasok ka sa Singapore. Pinakamadaling paraan para magkaroon ng iyong tutuluyan ay makiusap sa iyong kamag-anak o kaibigan. Maraming mga Pilipino ang mdaling nakakahanap ng trabaho sa Singapore dahil mayroon na silang kamag-anak o kaibigan na maaaring tirahan pansamantala habang naghahanap ng trabaho. Kung ikaw naman ay walang kamag-anak o kaibigan na mapapakiusapan, maaari kang mag rent ng bedspace. Ang isang bedspace rent ay umaabot ng Php 13k to Php 30k kada buwan depende sa lugar na iyong uupahan.
Maraming mga facebook groups na mapagpipilian para makahanap ng bedspace at maraming mga Pinoy din ang nagpaparenta ng kanilang mga bahay kaya hindi naman mahirap makahanap ng bedspace. Paalala na bawal ang Airbnb sa mga tourist sa Singapore at minimum ang dalawang tao sa isang room kapag bedspace.
Narito ang mga facebook groups na maaari mong salihan:
4) AIRTICKET/ FLIGHT TICKET BOOKING
Isa din ito sa mga mahahalagang dapat gawin sa pag aapply ng trabaho sa Singapore. Kung ikaw ay may asawa o magulang sa Singapore na maaari mong dalawin, maaari kang magbook ng ticket na may return date pagkalipas ng 2 to 4 weeks. Ito ay dahil immediate family mo ang iyong pupuntahan at hindi ka masyado mahihirapan sumagot sa immigration officer. Ngunit kung ikaw ay tourist lamang at wala namang immediate family sa Singapore, hanggang maximum 1 week lamang dapat ang iyong return ticket dahil maliit lamang ang bansang ito para mapuntahan ang mga magagandang lugar para sa mga turista. Malimit nahaharang ng immigration at na ooff-load ng eroplano ang mga turista na nagbobook ng halos isang buwan dahil masyado itong matagal para isang turista.
Naririto naman ang mga halimbawa ng booking website na madaling gamitin sa pagbook ng flight ticket:
a) Traveloka (https://www.traveloka.com/en-ph/)
b) AirAsia (https://www.airasia.com/en/gb)
5) DOCUMENTS/ PAPELES
Ito ay bahagi na ng ating pag aapply ng trabaho kahit sa Pilipinas dahil ito ang mga katibayan ng ating pagkatao, karanasan, pagaaral atbp. Mahalaga na malaman natin kung ano ang mga pinakamahahalagang dokumento/papeles na dapat nating ihanda para sa pag aapply ng trabaho sa Singapore at dokumento na maaaring hanapin ng immigration.
a) PASSPORT
Ito ang pinakaunang dokumento na dapat ihanda dahil ang Singapore ay ibang bansa at kailangan ng Passport as ID natin sa ibang bansa. Mahalaga na icheck ang expiration date at hangga't maaari ay may dalawang taon pang validity ang iyong Passport para sa mga trabaho na dalawang taon ang kontrata. Kailangan ang passport para sa employer at immigration.
b) Company ID
Kailangan ito dahil malimit itong tinatanong ng immigration officer na katibayan na ikaw ay mayroong trabaho at sapat na kakayanan na gumastos sa Singapore.
c) Leave Form or Leave of Absence Letter
Ang dokumentong ito ay kailangan lamang pang suporta para patunayan sa immigration officer na ikaw ay talagang bibisita lamang sa Singapore at may babalikan pa ring trabaho sa Pilipinas.
d) Certificate of Employment
Mahalaga ito para sa immigration officer at sa employer. Ito ay pang suporta din na ikaw ay may trabaho sa Pilipinas. Ito din ay katibayan na totoo ang mga karanasan mo sa trabaho sa pagaapply mo ng trabaho. Kaya mahalagang may kopya ka ng mga Certificate of Employment sa iyong laptop or hard disk.
e) Diploma/ Degree Certificate/ Skill Certificate
Napaka halaga ng mga dokumentong ito sa iyong pag aapply ng trabaho dahil ito ang ginagamit ng mga employer sa pagaapply ng iyong Working Visa sa Singapore. Ito rin ay karagdagang puntos para ikaw ay mapili ng mga Hiring Manager lalo na sa mga skilled jobs sa Singapore. Mahalagang may kopya ka nito sa iyong laptop o hard disk.
f) Transcript of Records TOR
Ito ay requirement din ng employer para malamang ang iyong performance sa pagaaral. Ito ay karagdagang dokumento din para malamang totoo ang iyong School Certificate. Mahalagang may kopya ka nito sa iyong laptop o hard disk.
6) POCKET MONEY/ ALLOWANCE
Isa ito sa hindi masyadong napaghahandaan ng mga nag aapply ng trabaho sa Singapore kaya marami ang nahihirapan. Mahal ang halos lahat ng bilihin sa Singapore dahil nga sa malaki ang value ng kanilang currency. As of today 27Aug2019 Php37.65 = SGD . Kaya mahalaga na maghanda ng extrang cash o credit cards hangga't maaari.
Narito ang mga dapat na paghandaang gastusin:
a) EZ link Card
Ito ay card para sa MRT/LRT at Bus ng Singapore. SGD 12 = Php 451
b) Sim Card
Kailangan ito para macontact ang employer at Data pag gumagala sa Singapore.
Starhub $15+2.2Gb for 180 days SGD 15 = Php 564
c) Food
Halos doble hanggang triple ang presyo ng pagkain dito sa Singapore kumpara sa Pilipinas.
SGD 6 = Php 226
BigMac SGD7.85 = Php 295
7) PRAYER/ DASAL
Ang dasal ang pinakamahalaga sa lahat ng dapat mong gawin sa lahat ng nabanggit sa paghahanap ng trabaho sa Singapore. Tayo ay dapat palaging nagdarasal at nakikipag-usap sa Diyos. Malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa paghahanap mo ng trabaho ngunit pati sa paghahanap mo ng purpose ng sarili mong buhay. Ang mga nabanggit sa itaas ay para lamang mas mabigyan ng malaking chance na makapasok ka sa trabaho ngunit ang pagdarasal ay mas higit pa ang matutulong sa buong buhay mo. Gaya nga ng sabi sa Bibliya sa Marcos 11:24
"Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin. "
To God be all the Glory!
tags : trabaho singapore, apply singapore, apply trabaho singapore
Ibahagi din nyo ang inyong mga karanasan dito sa comment section. salamat
ReplyDelete